“𝑨𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒍𝒊𝒘𝒂𝒏𝒂𝒈𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒂𝒔𝒂 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅,” — City Mayor Marilou Flores-Morillo.
Kumukutikutitap, bumubusibusilak, ganiyan ang Calapan City Hall matapos ang matagumpay na 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗶𝗹𝗮𝘄 𝟮𝟬𝟮𝟯, na pinangunahan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗩𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗮, nitong ika-4 ng Disyembre.
Ngayong taon, nagmistulang nasa Singapore ang mga Calapeños dahil tampok ang bersyon natin ng 𝑺𝒖𝒑𝒆𝒓𝒕𝒓𝒆𝒆 𝑮𝒓𝒐𝒗𝒆, 𝒇𝒊𝒆𝒍𝒅 𝒐𝒇 𝒓𝒐𝒔𝒆𝒔, at ang higanteng 𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒎𝒂𝒔 𝑻𝒓𝒆𝒆 kung saan ang nasa tuktok nito ay ‘𝒇𝒊𝒏𝒈𝒆𝒓 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕’ na naging icon ng pagmamahal ng Ina ng Lungsod. Gayundin, ang buong building ng City Hall ay naging isang regalo para sa lungsod dahil sa malaking ribbon na nakapalamuti dito.
Sa gabi ng Pag-iilaw 2023, nakiisa din sa seremonya si 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗟𝗶𝘁𝗼 𝗔𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 na siyang nanguna sa pagdadasal, si 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, at ang 𝑯𝒆𝒓𝒎𝒂𝒏𝒐 𝑴𝒂𝒚𝒐𝒓 ng 𝗦𝘁𝗼. 𝗡𝗶𝗻̃𝗼 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 na si 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝘃𝗲𝗻 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗥𝗮𝗯𝗶𝗻𝗼.
Napuno ng saya, sigla, at liwanag ang buong Calapan dahil sa inihandang mga games, at performances mula sa iba’t ibang mga talentadong Calapeños tulad ng 𝗢𝗠𝗡𝗛𝗦 𝗥𝗼𝗻𝗱𝗮𝗹𝗹𝗮, 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝘂𝗼 – 𝗠𝘀. 𝗔𝗹𝗹𝗶𝘆𝗮𝗵 𝗣𝗮𝗴𝘂𝗮𝗴𝗮𝗻 at 𝗠𝘀. 𝗥𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗞𝗮𝗿𝘆𝗹𝗹𝗲 𝗣𝗮𝗻𝗲𝘀, 𝗔𝗶𝗱𝗵𝗲𝗻 ‘𝗧𝗵𝗲 𝗪𝗼𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗕𝗼𝘆’, at si 𝗞𝘂𝘆𝗮 𝗜𝗱𝗼𝗹 𝗧𝗵𝗲 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻. Isa namang makabagbag-damdaming musical drama performance ang ipinakita ng 𝗔𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗧𝗲𝗮𝘁𝗿𝗼 na talaga namang nagpaluha sa mga manonood. Bukod dito, tampok din ang mga cosplayers na nagbigay-ngiti sa mga chikiting.
Nakilala din natin ang mga kabataang nagbigay ng karangalan sa ating lungsod sa iba’t ibang kumpetisyon, ang mga pambato ng bawat institusyon sa 𝗠𝗿. 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝘀. 𝗖𝗖𝗔𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯, at ang mga kandidata ng 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯-𝟮𝟬𝟮𝟰.
Kaya naman, kung hanap ninyo ay out of the country experience ngayong kapaskuhan, bumisita na sa Calapan City Hall at tiyak makakakuha kayo ng picture-perfect at instagrammable moments kasama ang inyong mga mahal sa buhay.