Bilang Ina ng Lungsod ng Calapan, hangad ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na mapaunlad ang kakayahan ng mga kababaihan. Kaya naman nitong ika-5 ng Setyembre, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ang 𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒏 𝑴𝒆𝒂𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒄𝒆𝒔𝒔𝒊𝒏𝒈 para sa samahang 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗣𝗘𝗡𝗬𝗔 sa City Plaza Pavilion.
Sa pamamagitan ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, tinipon ang mga miyembro ng KALAPENYA o 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝑬𝒌𝒐𝒏𝒐𝒎𝒊𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂 ng Barangay Bulusan, Lumangbayan, at San Vicente North upang sumailalim sa nasabing pagsasanay bilang simula ng kanilang bagong kabuhayan.
Naging katuwang din ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔 na nagpadala ng kanilang trainers na nagturo ng paggawa ng pork tapa, chicken tocino, hamburger patties, at chicken longganisa.
Hiling ng Punong Lungsod na payabungin at pangalagaan nila ang mga kaalamang ibinahagi sa kanila; gayundin, nagbigay ng mga tips si Mayor Morillo sa kung paano mapapalago ang nasabing alternatibong pangkabuhayan.
Bumisita din sa programa sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗝𝗲𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝘂𝗰𝗶, at 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶. Naroon naman bilang tagapamahala si 𝗠𝗿 𝗝𝗮𝘆𝗽𝗲𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗮 na siyang 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗿𝗻𝘀.