Matagumpay na naisagawa ang “𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑺𝒆𝒕𝒕𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒕 (𝑳𝑺𝑮) 𝑷𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕” para sa mga oil spill-affected household
sa ilalim ng “𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑳𝒊𝒗𝒆𝒍𝒊𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎” ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁, ginanap sa Barangay Camilmil Gymnasium, nitong ika-24 ng Nobyembre.
Mahigit sa 𝗣𝟭𝟴,𝟱𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬 ang inilaang pondo para sa 𝟭,𝟴𝟱𝟮 na benepisyaryo ng naturang programa mula sa dalawampu’t tatlong (23) barangay sa Lungsod ng Calapan, kung saan ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng 𝗣𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬.
Samantala, taos-pusong nagpapasalamat ang mga Calapeñong nakatanggap ng naturang ayudang tulong, dahil tiyak na makatutulong ito para sa kanilang pangkabuhayan na bukod sa pangingisda.
Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa pangunguna at pangangasiwa ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗), kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng Fisheries Management Office sa pamamahala ni 𝗢𝗜𝗖, Fisheries Management Office, 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 sa pamamahala ni 𝗖𝗦𝗪𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪.