Nagtungo sa tanggapan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang mga kasapi ng “𝗦𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻” sa pangunguna ng kanilang Presidente na si 𝗠𝘀. 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗻𝗮 𝗥. 𝗟𝗮𝗰𝘀𝗼𝗻, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝘀. 𝗝𝘂𝘃𝘆 𝗟. 𝗕𝗮𝗵𝗶𝗮, 𝗥𝗦𝗪, para sa Livelihood Assistance Program, ika-10 ng Mayo.

Ang programang ‘𝑨𝑯𝑶𝑵’ ay isang livelihood program na sinimulan ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Department, kung saan ang programang ito ay sinasabing ibinase sa “𝗦𝗘𝗔-𝗞 (𝗦𝗲𝗹𝗳 – 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 – 𝗞𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻) 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺” ng 𝗗𝗦𝗪𝗗 sa ilalim ng 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼: 𝟬𝟭𝟰 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝟮𝟬𝟭𝟬.

Ito ay nagbibigay ng panimulang kapital sa anyo ng livelihood assistance for self-managed projects sa mga natukoy na karapat-dapat na pamilya at iba pang nararapat na indibidwal, kung saan mahigit nasa 20 na benepisyaryo mula sa Barangay Salong ang natulungan nito, at ang bawat isa ay binigyan ng pagkakataon na humiram ng tiyak na halaga ng kapital.

Nasa kabuuang 𝗣𝟭𝟮𝟰,𝟬𝟬𝟬 ang inilaan para sa proyektong ito, na inaasahang makatutulong para sa mga benepisyaro na lubos na nagpapasalamat sa Pamahalaang Lungsod, sa butihing Ina ng Lungsod, at sa CSWDD.