Sa temang “𝑬𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔 𝑩𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝑾𝒉𝒆𝒏 𝑾𝒆 𝑨𝒓𝒆 𝑻𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓” ay ginawang payak ngunit makahulugang ipinagdiwang ng 𝗟𝗜𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗟𝗴𝗯𝘁𝗾𝗶𝗮+ 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 (Lilac Calapan) ang kanilang ika-dalawang taon ng pagkakatatag, September 30, 2023, Afra’s Bar.
Salat man sa pondo pero hindi naging hadlang ito upang maipakita na nananatiling buo at matibay ang samahan ng 𝗟𝗜𝗟𝗔𝗖 na nabuo kasabay ng pag-usbong ng pangarap ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na paglingkuran ang taumbayan ng Calapan.
Pangunahing layunin ng samahan na mabigyang proteksyon ang karapatan ng bawat kasapi, maiangat ang antas ng pamumuhay at maging katuwang ng Pamahalaan Lungsod sa pagpapaunlad ng ating bayan. Mababakas sa mukha ng mga miyembro ng LILAC ang kagalakan na muling magkasama-sama sa isang gabi ng kasiyahan at kamustahan.
Sa makasaysayang okasyon ay dumalo ang mga halal na opisyales ng organisasyon na kinabibilangan nina:
𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁: Cleo Aquino
𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁: Andrian Actas
𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆: Kiel Abraham Generato
𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲𝗿: Jorgel Maranan
𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁𝗼𝗿: Rommel Sanchez
Kumpleto rin ang kanilang 𝗕𝗼𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗳 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀 na sina:
Jojo Barrientos
Rhenejim Jhun Dela Cruz
Mark Vener Zamora
Aristeo Ahorro
Ngayong taon, dalawa sa mga kasapi ng samahan ang ginawaran ng parangal, sila ay sina: 𝗖𝗹𝗲𝗼 𝗔𝗾𝘂𝗶𝗻𝗼 para sa ‘𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆 𝑬𝒙𝒄𝒆𝒍𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅’ at 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗵𝘂𝗮 𝗚𝘂𝗲𝗿𝗿𝗮 bilang ‘𝑴𝒐𝒔𝒕 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑳𝑰𝑳𝑨𝑪 𝑴𝒆𝒎𝒃𝒆𝒓’.
Naging laman ng mensahe ni President Cleo ay kanyang ginunita ang mga panahon na kung saan ay pinagsisikapang buuin pa lamang ang LILAC, gayundin ang nakalipas na dalawang taon ng pagtataguyod ng kapakanan ng kanilang mga miyembro at taga-suporta. Umaasa siya na magpapatuloy ang legasiyang sinimulan ng samahan.
Dahil likas sa mga LGBTQIA+ ang pagiging kuwela at malikhain ay nagkaroon sila ng ‘𝑺𝒖𝒓𝒑𝒓𝒊𝒔𝒆 𝑴𝒊𝒔𝒔 𝑮𝒂𝒚 𝑷𝒂𝒈𝒆𝒂𝒏𝒕’ na lalong nagpatingkad sa gabi ng selebrasyon.
Naging panauhin sa 2nd Founding Anniversary ng LILAC sina City Councilor Hon. Rius Agua at Hon. Ricka Goco.
Si City Mayor Malou Flores-Morillo bagamat hindi nakadalo sa nasabing okasyon dahil sa equally important na lakad ay nananatiling buo ang pagsuporta sa adhikain ng LILAC.