Sining sa Sinag — When Coffee meets Art.
Isang maka-sining na aktibidad ang personal na dinaluhan ng Ina ng Lungsod, Mayor Marilou Flores-Morillo, ika-20 ng Hunyo na ginanap sa Sinag Coffee Roastery na matatagpuan sa Richville Garden, Brgy. Masipit Calapan City.
Ang naturang Art Exhibit ay dinaluhan ng Mindoro Artists, Island Paint Artist, Water Color Gurus at madami pang iba.
Samantala naging lalong makabuluhan at ganap ang nasabing Art Exhibit sa pagdating ni Mr. Rafael ‘Popoy’ Cusi – Master of Watercolor of the Philippines.
Ilan pa sa mga nagsipagdalo at mainit na nakiisa at sumuporta sa Sining sa Sinag ay sina: Florante Villarica, Arvin Caspe, Chressa Yee Rufon, Elisa Rufon, Emma Olympia Gutierrez, Tala Mohana, Wilfredo Rufon, Jenesis Diamante, Jerome Caspe, Juds Eusebio, Ronel Pascua, Justine Eve Venus, Lloyd Marquez, Marites Gonzaga, Nestor Abayon Jr., Nilo Iraya Bautista, Voit Villarica, Provincial Government of Oriental Mindoro, Kathy Garcia Kandava, Pamanang Kwerdas, MINSU Folkloric Group, NFA Dep Administrator Tomas Escarez at iba pa.
Naging saksi si Calapan City Mayor sa nasabing paglalatag ng likhang sining ng mga Mindoreno. Aniya, isang karangalan ang maimbitahan at personal na masilayan ang kawili-wili at kamangha manghang mga gawang sining na ito ng mga lokal ng ating lalawigan. Dagdag pa niya, makakaasa ang naturang grupo na mainit at buo ang magiging suporta ng kanyang administrasyon sa industriya ng sining.
“Mainit na tangkilikin at yakapin ang galing ng mga Mindoreno — tunay namang maipagmamalaki dahil sa galing na angkin”. — Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo.