Dinagsa ng mga aplikante mula sa buong Oriental Mindoro partikular ang mga taga-Calapan ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan na isinagawa sa Local Government Building, City Hall Complex Calapan City, Nobyembre 29, 2022.
Naging matagumpay ang programa dahil sa pagtutuwang ng Calapan City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL ALFREDO LORIN JR., at ng City Government of Calapan sa pamamagitan ng ‘Serbisyong TAMA Program’. Ang pagpaprehistro ng LTOPF ng mga aplikante ay pinangasiwaan ng personnel ng Regional Civil Security Group MIMAROPA na pinamumunuan ni PLTCOL RANNY TAPAT.
Dahil One-Stop Shop ang caravan ay nandoon na rin ang ilan pang serbisyo gaya ng SDS Gun Store para sa gun safety, Regional Crime Laboratory Office (RCLO) MIMAROPA para sa drug testing at ang Police Regional Health Services Unit (PRHSU) MIMAROPA para naman sa neuro examinations.
Tumagal ng limang oras ang LTOFP Caravan (9am-2pm) na sa pagtatapos ay nakapagtala ng 75 gun owners at new applicants ang napagserbisyuan ng caravan.
Para sa mga naging benepisyaryo, anila, malaking tulong ang hatid ng programa na bukod sa nakatipid sila ng ilang gastusin ay nalimitahan din ang oras na kailangang gugulin para sa pagkuha o renewal ng lisensya (Junard Acapulco/CIO).




