Hindi lamang para sa taumbayan nakatuon ang Serbisyong TAMA na ibinibigay ng kasalukuyang administrasyon ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼. Ang mga hayop man ay may puwang din upang paglaanan ng serbisyong kanilang kinakailangan mula sa pamahalaan.
Sa mga nakalinyang aktibidad kaugnay sa nalalapit na 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 ay nagkaroon ng 𝗙𝗿𝗲𝗲 𝗦𝗽𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗲𝘂𝘁𝗲𝗿 para sa mga alagang aso at pusa na isinagawa sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, Old City Hall, Peberero 25-26,2023.
Upang mas maraming hayop ang maserbisyuhan ng programa ay may apat na veterinary surgeon ang nagtulong-tulong sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿. 𝗙𝗲𝗯𝘆 𝗗𝗮𝗿 𝗠𝗮𝗻𝗹𝗶𝗰𝗺𝗼𝘁.
Sa unang araw ng pagpapatupad ng programa ay may 47 mga aso at pusa ang naoperahan samantalang sa ikalawang araw ay inaasahang 50 naman ang sasalang sa spay at neuter operations.
Dito ay bumisita si City Mayor Morillo upang alamin kung papaano inaalagaan ang kapakanan ng mga alagang hayop sa Lungsod ng Calapan.











