“𝑮𝒂𝒚𝒂 𝒑𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒏𝒈𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐, 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒘𝒂 𝒌𝒐 𝑺𝒆𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑪𝒊𝒕𝒊𝒛𝒆𝒏𝒔, 𝒎𝒂𝒈𝒍𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒑𝒐 𝒂𝒌𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒂, 𝒑𝒓𝒐𝒚𝒆𝒌𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒅𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒖𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒓𝒂𝒎𝒅𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒍𝒂𝒔𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒏𝒊 ‘𝑷𝒆𝒕𝑴𝒂𝒍𝒐𝒖’, 𝒂𝒕 𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒂 𝒏𝒈𝒂 𝒑𝒐 𝒓𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒃𝒓𝒆𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒕𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐” — City Mayor Malou Flores-Morillo.

Muli na namang umaarangkada ang programang ‘𝑳𝒊𝒃𝒓𝒆𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒕𝒂𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒌𝒊𝒏𝒂 𝑳𝒐𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝑳𝒐𝒍𝒂’ na unang sinimulan noong nakalipas na taon. Mayo 20, sa Covered Court ng Barangay Masipit ay personal na bumaba si Mayor Malou sa nasabing barangay upang dalahin ang libreng gatas para sa 337 senior citizens.

Sa kanyang pagdating ay buong galak siyang sinalubong ng mga senior citizens doon sa pangunguna ng kanilang Barangay Senior President na si 𝗠𝘀.𝗟𝗼𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮. Ayon kay Mayor Malou hndi lang isa kundi apat na beses kada taon makakatanggap ng gatas ang mga Lolo at Lola, at hindi rin lamang ang mga may edad 70 pataas ang makakatanggap nito kundi maging ang lahat ng senior citizens na may edad 60 taong gulang pataas ay kasama na sa makakatanggap.

Ipinahayag rin ng Punonglungsod ang iba pang mga programa na ngayon ay ipinatutupad ng kanyang administrasyon gayundin ang mga planong tiyak na magbibigay benipisyo sa mga matatanda sa Lungsod ng Calapan.

Sinamantala naman ng ilang senior citizens na magtanong at maglinaw tungkol sa mga usapin tungkol sa ayuda at benipisyo para sa kanila na buong galang naman na sinagot ng Alkalde. Naipaabot din ng 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁 kay Mayor Malou ang iba pa nilang pangangailangan na agarang nabigyan ng katugunan.