Noong Disyembre 2024, matagumpay na ipinagpatuloy ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang libreng pagbabakuna laban sa flu sa iba’t ibang komunidad sa lungsod. Ang programang ito ay bahagi ng layunin ng Calapan LGU na masiguro ang maayos na
kalusugan ng bawat mamamayan, lalo na ang mga nakatatanda na kabilang sa mga pinakamadaling kapitan ng sakit.
Sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo, katuwang ang City Health and Sanitation Department, kasabay ng mga dedikadong kawani ng Serbisyong TAMA Program, naabot ng libreng anti-flu vaccine ang mga sumusunod na barangay:
• Xevera
• Brgy. Palhi
• Brgy. Gutad
• Brgy. Navotas
• Brgy. Nag-Iba II
• Brgy. Nag-Iba I
• Brgy. Sta. Cruz
• Brgy. Buhuan
• Brgy. Calero
• Brgy. Bondoc
• Brgy. Bulusan
• Brgy. Maidlang
• Brgy. Parang
• Brgy. Silonay
• Brgy. Lazareto
• Brgy. San Antonio
Sa pagsisimula ng 2025, patuloy na umiikot ang team sa iba’t ibang barangay sa Calapan upang mabigyan pa ng libreng anti-flu vaccine ang mas maraming Calapeño. Ang layunin ay hindi lamang ang kalusugan, kundi ang pagbibigay-katiyakan na ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataon na makapag-avail ng libreng serbisyong pangkalusugan mula sa Pamahalaang Lungsod.
Patunay lamang ito ng dedikasyon ng administrasyong Morillo sa pagpapalaganap ng progresibo, inklusibo, at makataong serbisyo sa mga Calapeño.