𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒗𝒆𝒔, 𝒃𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝒔𝒂𝒇𝒆𝒓 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏.
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝘆 ang 𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 para sa mga 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒔 𝑫𝒆𝒑𝒓𝒊𝒗𝒆𝒅 𝒐𝒇 𝑳𝒊𝒃𝒆𝒓𝒕𝒚 (𝑷𝑫𝑳) sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗝𝗮𝗶𝗹 nitong ika-11 ng Setyembre.
Naging katuwang ng Calapan City District Jail na pinamamahalaan ni 𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗖𝗛𝗜𝗘𝗙 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗥𝗔𝗡𝗗𝗜𝗘 𝗖 𝗔𝗕𝗥𝗜𝗟 ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagbibigay ng tulong at pagsasanay sa mga PDL.
Sa ilalim nga ng programang Library Assistance Program, sinanay ng mga kawani ng City Public Library na pinangungunahan ni 𝗠𝘀. 𝗖𝗹𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗣. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 ang mga PDL sa Book Covering upang mapangalagaan ang mga libro sa kanilang silid-aklatan.
Gayundin, tinuruan ang ilang PDL ng paglikha ng mga hikaw, pulseras, at keychains gamit ang beads, clay, at heat shrink paper na maaari nilang pagkakitaan. Naturuan din ang ilan sa kanila na gumamit ng heat press na maaari naman nilang gamitin sa pagtatak ng kani-kanilang BJMP Uniforms.