Nag-iisa at kauna-unahang pilot LGU sa buong Rehiyong MIMAROPA na magpapatupad ng 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗥𝗲𝗳𝗼𝗿𝗺 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝗟𝗚𝗥𝗣). Sa bisa ng resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 ay pinapahintulutan si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Calapan at ng 𝗗𝗢𝗙-𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 na kinakatawan naman ni 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗗𝗶𝗼𝗸𝗻𝗼.
Ang paglagda sa nasabing kasunduan ay ginanap sa Executive Main Conference Hall, City Hall Complex Guinobatan Calapan City, nitong Marso 23. Saksi sa MOA Signing ang mga opisyal at kawani mula sa BLGF na sina 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗡𝗲𝗶𝗹 𝗟𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻, 𝗢𝗜𝗖 𝗕𝗟𝗚𝗙 – 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝗠𝗿. 𝗚𝗶𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗚𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘆, 𝗟𝗚𝗥𝗣 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗮𝗿𝗹𝗼𝗻𝗲 𝗕𝗮𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜𝗩-𝗕𝗟𝗚𝗙 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗠𝘀. 𝗛𝗮𝗶𝗱𝗲𝗲 𝗣𝗼𝗱𝗲𝗹, 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗜 – 𝗕𝗟𝗚𝗙 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 at 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗮𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗿𝗲𝗻𝗱𝗶𝗼, 𝗕𝗟𝗚𝗙 – 𝗟𝗔𝗢𝗗.
Sa bahagi naman ng City Government ay nandoon sina 𝗠𝗿. 𝗝𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 𝗠𝗮𝘀𝗼𝗻𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗼𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗕𝗼𝘆𝗲𝘁 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗶𝗲𝘁𝗮 𝗚𝗮𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗕𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 at iba pa.
Ang LGRP ay isang 4-year loan project ng Asian Development Bank na ibinigay sa gobyerno ng Pilipinas para palakasin ang revenue administration ng mga pilot LGU at palakasin ang paghahatid ng mga lokal na serbisyong pampubliko.
Mayroon itong apat na bahagi, ito ay ang: Pagpapalakas at pagpapaunlad ng institusyon at suporta sa patakaran para sa pagtatasa ng ari-arian; Pagpapatupad ng database ng pagtatasa ng buwis sa ari-arian at mga sistema ng impormasyon; Pagpapahusay ng real property taxation ng mga piling LGUs; at gawing propesyonal ang mga lokal na tagasuri.
Ito rin ay inaasahang magbibigay ng pinahusay na pagsasanay ng mga assessors sa buong bansa; magbigay ng teknikal na tulong sa pag-update ng Schedule of Market Values (SMV); Mga mapa ng buwis at mga talaan ng pagtatasa sa mga pilot LGU; at suportahan ang batas upang gawing pamantayan ang pagtatasa ng real estate sa buong bansa.


