Sa pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝘂𝘀𝗼 at 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟯, isinagawa ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ang 𝗟𝗮𝘆 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗿𝗱𝗶𝗼 𝗩𝗮𝘀𝗰𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 at ang paglulunsad ng 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod sa Kalap Hall, City College of Calapan nitong ika-28 ng Pebrero.

Layunin ng CHSD na itaas ang kamalayan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod at mas maintindihan kung paano mapangangalagaan ang kalusugan particular na ang puso, at kung bakit mahalaga ang proper diet at ehersisyo.

Naging posible ang gawain dahil sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pamamagitan ng City Health and Sanitation Department na pinamumunuan ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, at sa pamamahala ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗦𝗵𝗮𝘂𝗹𝗮 𝗚𝗮𝗶𝗹 𝗱𝗲 𝗢𝗰𝗮𝗺𝗽𝗼, 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻 – 𝗡𝗼𝗻𝗰𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝗰𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗗𝗶𝘀𝗲𝗮𝘀𝗲𝘀 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗱; gayundin, naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod at ng CHSD ang 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗲𝘁𝘆.

Nagbigay ng mensahe ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗢𝗛 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿-𝗶𝗻-𝗖𝗵𝗮𝗿𝗴𝗲 na si 𝗥𝗲𝘆𝗺𝗼𝗻𝗱 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗶𝗮, 𝗥𝗡,𝗠𝗣𝗛,𝗟𝗣𝗧 at naimbitahan naman upang maging resource speaker ang mga cardiologists sa Oriental Mindoro na sina 𝗗𝗿. 𝗘𝘂𝗻𝗶𝘀 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮 𝗦𝘂𝘇𝗮𝗿𝗮-𝗠𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮, 𝗗𝗿. 𝗗𝗲𝗻𝗻𝗶𝘀 𝗥𝗼𝗱𝗶𝗹, at 𝗗𝗿. 𝗜𝗻𝗴𝗿𝗶𝗱 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗯𝗹𝗼-𝗣𝗿𝗶𝗲𝗹𝗮, 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗼𝗹 𝗗𝗲𝗹𝗲𝗻, 𝗣𝗧𝗥𝗣 (𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁), at 𝗦𝗵𝗮𝗿𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, 𝗥𝗡𝗗 (𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻𝗶𝘀𝘁-𝗱𝗶𝗲𝘁𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻, 𝗖𝗛𝗦𝗗).

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng kanilang mga Department Heads, at ang mga Barangay Chairpersons kasama ang ilan sa kanilang mga Konsehal.

Sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝗻𝗮𝗹𝗱 𝗖𝗮𝗻𝘁𝗼𝘀, 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, ay ipinamahagi at ipinatikim din ang mga 𝑬𝒏𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒅 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒃𝒖𝒏𝒔 na produkto ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗲𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 matapos ang kanilang pagsasanay sa paggawa nito.

Matapos ang forum ay inilunsad ang TAMAng Kalinga Program for Employees at itinatag ang 𝗖𝗚𝗖 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗹𝘂𝗯 na binubuo naman ng mga empleyadong may hypertension at diabetes kung layunin ng kanilang samahan na palaganapin ang pagkakaroon ng healthy lifestyle sa loob at labas ng Pamahalaang Lungsod.