Dama, Sungka, Batong Bata, Piko, Luksong-Tinik, Tumbang-Preso, Hilahang-Lubid, Pukpok-Palayok at Kadangkadang Relay — ilan lamang ‘yan sa mga larong nauso at kinagigiliwan noong unang panahon.
Kaiba man sa mga nakasanayang laro sa makabagong henerasyon subalit naniniwala si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na sa pamamagitan nito ay magiging daan ito upang muling mapanumbalik ang magandang ugnayan ng mga magkaka-barangay.
Sa kagustuhan na rin ni City Mayor Morillo na maiparamdam sa lahat ng kanyang mga minamahal na kababayang Calapeño lalo na ang mga naninirahan sa malalayong barangay na sila rin ay parte ng mga programa at serbisyong ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod, sa nalalapit na 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 ay kanyang iminungkahi sa City Youth and Sports Development Department na magkaroon ng ‘𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚𝒍𝒚𝒎𝒑𝒊𝒄𝒔’ na kung saan ay tampok ang mga Larong Pinoy.
Hinati ang 62 barangays sa 10 district na kung saan, mula sa bawat distrito ay magtatagisan ng husay ang kalahok na barangay upang piliin ang mga pambato nila para naman sa District Level Championship Finals.
Sa ginanap na elimination roud para sa district 2, noong Peberero 18, 2023, Ilaya Covered Court na kinabibilangan ng mga 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗜𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗟𝗶𝗯𝗶𝘀, 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼, 𝗦𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 at 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼, 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗘𝗮𝘀𝘁 at 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 na personal na sinaksihan ni Mayor Malou ay lubos na ikinatuwa ng mga kalahok ang suportang ibinibigay ng Ina ng Lungsod.
Dito ay sinabi ni Mayor Malou na ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikagaganda ng Lungsod ng Calapan, aniya pa, simple man ito na programa pero siya ay naniniwala na sa pamamagitan nito ay nabubuklod at napagakakaisa ang mga komunidad. Sa huli ay ang kanyang panawagan ng suporta sa mga programa at proyektong kanyang ipinapatupad na tiyak na magbabalik ng saya at sigla sa Lungsod ng Calapan.
Bago umalis si Mayor Malou sa ginaganap na palaro ay nagawa muna niyang makipaglaro ng sungka sa Kapitana ng Baranagay Ilaya na si 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀𝗮 𝗡𝗮𝗿𝘀𝗼𝗹𝗲𝘀.

















