Naging bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa Lakbay-Aral ng 70 chikiting mula sa day care centers ng Barangay Sampaguita, San Gabriel, Concepcion, at Duongan ng Munisipalidad ng Victoria na kasama ang kani-kanilang mga magulang at teachers nitong ika-28 ng Abril.

Sama-sama ay nabisita nila ang City Museum, Calapan City Police Station, Fire Station, at maging ang Calapan Nature Park sa Barangay Bulusan.