Sa ating patuloy na paglalakbay sa hinaharap bilang nagkakaisang Calapeño, kinakailangan nating
bungkalin o linangin ang kasaysayan, kalakip ang matibay na pananampalataya sa Diyos, sa pamamagitan ng pag-alala o paggunita sa mga mahahalagang pangyayari sa nakalipas na kadikit ng kultura na dahilan ng ating katatagan at kaunlaran sa kasalukuyan, kalakip ang pagbabalik-tanaw sa mga aral ng kahapon.
Sa pamamagitan nito, maayos tayong makapagtatanim o makabubuo ng mga konkretong desisyon at hakbang na may katiyakan na makapaghahatid sa atin patungo sa Tamang direksyon na magiging patnubay natin sa pagkamit bunga ng patuloy na progresibong Calapan hanggang sa hinaharap.