Tinipon ang ilang mga kababaihan sa mahigit 20 barangay ng Calapan para sa isang orientation program na pinangunahan ng 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗔𝗬𝗔 o 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻, 𝗜𝗻𝗰., upang tuluyang mabuo ang 𝗞𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗟𝗜𝗟𝗔 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗮𝘆𝘂𝗻𝗮𝗻 “𝑨 𝑮𝒆𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑨𝒈𝒆𝒏𝒅𝒂 𝒇𝒐𝒓 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝑨𝒈𝒓𝒊𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆”, ika-28 ng Abril.

Ang 𝗞𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗟𝗜𝗟𝗔 ay inisyatibo ng SARILAYA, katuwang ang 𝗪𝗲 𝗘𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁, na dinala dito sa Oriental Mindoro partikular na sa Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗻𝗮 𝗝𝗶𝗺𝗲𝗻𝗲𝘇, 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 ng 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗔𝗬𝗔.

Dito nga ay ipinaliwanag ang kalagayan ng lokal na agrikultura, hamon, oportunidad, at ang mahalagang papel ng mga samahan sa pagtataguyod ng kabuhayang agrikultura para sa kababaihan, at ang 𝗞𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗟𝗜𝗟𝗔: 𝗔𝗴𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗧𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝗮𝘆𝘂𝗻𝗮𝗻 na tinalakay nina 𝗠𝘀. 𝗦𝗵𝗮𝗿𝗺𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗿𝘂𝘇𝗮𝗱𝗼 ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗠𝗿. 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮, 𝗖𝗦𝗢 𝗗𝗲𝘀𝗸 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, at 𝗠𝘀. 𝗠𝘆𝗿𝗻𝗮 𝗝𝗶𝗺𝗲𝗻𝗲𝘇, 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 ng 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗔𝗬𝗔.

Para kay 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, panahon na para tutukuan ang mga kababaihan kung kaya’t talagang suportado siya sa mga inisyatibong makatutulong sa mga Calapeña.

Naroon at nagpakita din ng suporta mula sa Pamahalaang Lungsod sina City Mayor Marilou Flores-Morillo, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, at 𝗚𝗔𝗗 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗗𝗶𝗼𝗺𝗮𝗺𝗽𝗼.