Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng city government ng relief goods sa mga taumbayan na ngayon ay nakararanas ng suliranin dulot ng oil spill.

Kalakip ng bawat kilo ng bigas, delata at noodles, ay ang pag-asa ng bawat mamamayan na pasasaan pa ay matatapos din ang nararanasang kalbaryong ito.

Bagamat tunay na hindi maipagpapasalamat ang oil spill, ayon naman sa mga nabiyayaang mga mamamayan, lubos na pasasalamat ang kanilang nais ipaabot kay Mayor Malou. Anila, ngayong sila ay nahaharap sa dagok ng oil spill, hindi maikakailang dama nila ang kalinga ng isang ina, sa katauhan ni Mayor Tita petMALOU.

Matiyagang pumila ang mga residente ng ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ, ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ ๐—˜๐—ฎ๐˜€๐˜, ๐—ง๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป at ๐—–๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—œ, upang makatanggap ng kani-kanilang mga ayuda. Pinamahalaan naman ang naturang relief goods operation ng ๐—–๐—ฆ๐—ช๐—— sa pamamahala ni ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ ๐—๐˜‚๐˜ƒ๐˜† ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ฎ at personal ding tumulong at nagpakita ng pagdamay sa nasabing relief goods distribution si ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—š๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ฒ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚.