Bilang pakikiisa sa paggunita ng 𝑺𝒆𝒎𝒂𝒏𝒂 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang kauna-unahang 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗼𝗻𝗲𝘀 𝗱𝗲 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯, sa pamamagitan ng Calapan City Tourism, Culture and Arts, sa pamumuno ni Mr. Christian Gaud.
Unang nagtanghal ang mga kalahok na 𝑴𝒐𝒓𝒊𝒐𝒏, suot ang kanilang mga makukulay at magagarang Roman Costumes sa harap ng Calapan City Hall matapos ang Flag Raising Ceremony.
Ito ay hudyat sa gaganapin nilang pag-iikot at pagbisita sa kalungsuran partikular na sa Calapan Malls, City Plaza Area, City Hall Grounds, at City Public Market mula ika-3 hanggang ika-9 ng Abril.
Layunin ng gawain na alalahanin at gunitain ngayong 𝑲𝒖𝒘𝒂𝒓𝒆𝒔𝒎𝒂 ang isa sa mga nagkaroon ng malaking papel sa buhay at pagkamatay ni Hesukristo, ang mga Moriones.





















