Kasapi ng World Bank at League of Cities of the Philippines, nakiisa sa “Coordination/Consultative Meeting”

Dumating sa Calapan City Hall, nitong ika-20 ng Pebrero ang mga kasapi ng World Bank at League of Cities of the Philippines, para makiisa sa “Coordination/Consultative Meeting”, na

isinagawa sa pangangasiwa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, at ng mga Hepe mula sa mga kalahok na departamento, upang pag-usapan ang patungkol sa iminumungkahing “City Ordinance for Solar E-Vehicle Implementation” sa Lungsod ng Calapan. Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga panauhing bisita mula sa World Bank at LCP na sina Ms. Marilyn T. Martinez (Worldbank Urban Project Specialist and Consultant), Ms. Veronica Hitosis (Executive Director, League of Cities of the Philippines), Engr. Gemini P. Mancilla (City Engineer, Gen. Trias City), Ms. Maria Regina T. Santiago (Program Officer for Special Projects League of Cities of the Philippines) at Ms. Audrey Trinidad (Urban Specialist World Bank).