Dalawampung couples ang sabayang nagsabi ng “𝑰 𝒅𝒐” sa isa’t isa sa ginanap na Kasalang Bayan 2023 na bahagi pa rin ng 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 na isinagawa noong Marso 14,2023 sa ABC Session Hall, Local Government Center, City Hall Complex.
Ang programa ay pinangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗢𝗜𝗖- 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 “𝗕𝗼𝗻𝗴” 𝗔𝗹𝗯𝗼. Dito ay gumanap bilang Solemnizing Officer si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.
Sa panimula ng okasyon ay ipinahayag ni Mayor Malou ang kahalagahan ng kasal sa pagpapamilya. Ito aniya ang nagpapatibay ng pundasyon para sa pagkakaroon ng matatag na relasyon sa buhay may-asawa at dahil din dito ay nabubuo ang progresibong pamilya.
Pinakinggan din ng mga magpapakasal ang mga payo ni Mayor Malou upang mapanatili ang alab ng pagmamahalan ng magsing-irog at wastong pag-aaruga sa mga anak, na halaw sa kanyang personal na karanasan bilang isang maybahay. “𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒂𝒈𝒆 𝒊𝒔 𝒂 𝒍𝒊𝒇𝒆𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝑭𝒐𝒓𝒆𝒗𝒆𝒓”, dagdag pa ng alkalde.
Upang pormal na pasimulan ang kasalan ay ginampanan ni OIC City Civil Registrar Bong Albo ang ‘Endorsement to the City Mayor of Wedding Couples’.
Sila ay sina:
• Bryan Magnaye & Emeritia Ageron
• Cresencio Flores & Shirley Festejo
• Gerry Abes & Zaira Nocom
• Mark Joevin Ramos & Ronalyn Capacia
• Kenneth Carl Gutierrez & Micha Macalalad
• Alden Liquiran & Bernadeth Manuel
• Alexis Sumagui & Jessa Torregosa
• Felix Briton Pagsinohin & Rose Itcoy
• John Henry Villaflor & Jessica Chavez
• Rey Jay Lubasan & Arra Mea Orallo
• Carmilo Delos Santos & Roane Michelle Mayo
• Michael De Guzman & Bernadeth Castillo
• Mar Leo Islana & Maria Divina Manalo
• Kevin Denzel Relox & Kyla Mae Lovendino
• Jaycee Almariego & Jessalin Gadores
• Vernie Leo Gabia & Corazon Coloma
• Vijay Cleofe & Jenny Ilao
• Reynan Basit & Shaina Villanueva
• Jomar Forteza & Lea Marasigan
• Rency Bautista & Carla Camille Bool
Upang ganap na maging madamdamin ang kasalan ay hiniling muna ni Mayor Malou na magbigayan ng kanilang wagas na pangako sa isa’t isa ang 20 pares ng ikakasal na agad sinundan ng pinakakaabangang seremonya ng kasal na nagtapos sa ‘unang halik’ matapos ang kasal.
Iniwan ni Mayor Malou ang pag-asa ng pagkakaroon ng masayang pagsasama para sa lahat ng kanyang ikinasal. Maliban sa libreng pagpapakasal ay kaloob din ng Pamahalaang Lungsod ang libreng pagkain pati na ang wedding token para sa mga newlyweds.































