Kapistahan ni Kristong Hari

Buong lugod na dumalo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagdiriwang ng Banal na Misa na isinagawa sa Sto. Niño Cathedral sa pangunguna ni 𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗡𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗔𝗱𝗮𝗹𝗶𝗮.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay para sa 𝑲𝒂𝒑𝒊𝒔𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒊 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐𝒏𝒈 𝑯𝒂𝒓𝒊 (𝑪𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝑲𝒊𝒏𝒈) na ginugunita ng 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒂 𝑰𝒈𝒍𝒆𝒔𝒊𝒂 tuwing sasapit ang ikatlong Linggo sa buwan ng Nobyembre, ang huling Linggo sa Kalendaryo ng Liturhiya ng Simbahang Katoliko.

Ginampanan ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang pagtatalaga ng sarili at lugar ng kinasasakupan na bahagi ng Banal na Misa. Matapos ang misa, gaya ng taunang tradisyon ng mga Calapaño ay muling nagsagawa ng motorcade sa pangangasiwa ng Apostoliko Bikaryato ng Calapan.

Layunin ng pagdiriwang na gunitain at pagnilayan ang pagiging hari ni Kristo Hesus.