Hindi ito kompetisyon subalit bumubuo ito ng matibay na pagkakapatiran sa pagitan ng mga motorcycle riders. May 𝟯𝟴𝟵 ang nagparehistro at 𝟮𝟵𝟰 motorista ang kumasa sa hamon na lakbayin sa loob ng 25 oras ang rotang balikan mula 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 hanggang 𝗠𝗮𝗺𝗯𝘂𝗿𝗮𝗼, 𝗢𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 na may kabuuang 𝟴𝟬𝟬 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼.
Ganap na alas dose (12:00) ng hatinggabi nitong Marso 18 ay ibinigay ang hudyat upang sabayang umarangkada ang mga motorsiklo na walang pinipiling kategorya. Malaki man o maliit, may mga mamahaling motorsiklo at meron din namang budget meal lang subalit hindi hadlang ito upang maging isa sa mga challengers.
Mahirap kung iisipin pero hindi iyan alintana ng mga kalahok dahil sa kakaiba at hindi makakalimutang karanasan na mapabilang sa ganitong malakihang motorcycle ride.
Ang 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗽 𝗠𝗼𝘁𝗼𝗿𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗘𝗻𝗱𝘂𝗿𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟯 ay parte ng mga isinagawang aktibidad kaugnay ng 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏’𝒔 25𝒕𝒉 𝑪𝒊𝒕𝒚𝒉𝒐𝒐𝒅 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝑪𝒆𝒍𝒆𝒃𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 na pinangunahan ng bunsong anak ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na si 𝗞𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na siyang 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 ng nasabing friendly-ride.
Sa pangkalahatan ay matagumpay na nakabalik sa finish line ang lahat ng kalahok upang kilalanin sila bilang mga ‘finishers’, umaga noong Marso 19. Upang pawiin ang naranasang pagod at puyat ng mga riders bunsod ng tuluy-tuloy na byahe ay isinagawa ang raffle na kung saan ay may mga nanalo ng iba’t ibang papremyo tulad ng helmets, t-shirts, motor oils, motorcycle tires at sack of rice.
Ang inaasam ng lahat na 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗲𝘄 𝗕𝗠𝗪 𝗚𝟯𝟭𝟬 𝗚𝗦 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗶𝘇𝗲 ay masuwerteng napunta kay 𝗥𝗶𝗱𝗲𝗿 #𝟮𝟲𝟯, 𝗠𝗿. 𝗣𝗮𝘂𝗹 𝗔𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝗮 na taga Naujan, Oriental Mindoro.
Lubos namang pinapasalamatan ng mga riders ang mga naging daan sa matagumpay na Kalap Motorcycle Endurance Challenge, una dito ang City Government of Calapan sa pamumuno ni City Mayor Malou Flores-Morillo, mga sponsors na kinabibilangan ng mga sumusunod: 𝗗𝗿. 𝗟𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗚𝗼𝗰𝗼, 𝗪𝗶𝗻𝗸𝗼𝗻𝘀𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁, 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗔𝘂𝘁𝗼 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘀, 𝗞𝗝𝗣 𝗥𝗶𝗰𝗲𝗺𝗶𝗹𝗹, 𝗕𝗹𝗮𝗰𝗸 & 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿 𝗥𝗶𝗰𝗲𝗺𝗶𝗹𝗹, 𝗔𝗠 𝗖𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗣𝗼𝗶𝗻𝘁, 𝗕𝗠𝗪 𝗢𝘄𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗣𝘂𝗾𝘂𝗲 𝗦𝗵𝗶𝗿𝘁𝘀 𝗛𝗮𝘃𝗼𝗹𝗶𝗻𝗲, 𝗦𝗮𝗺𝘀𝘂𝗻𝗴, 𝗖𝗮𝗿 𝗦𝗰𝗼𝗼𝘁, 𝗔𝗸𝗶𝗺𝗼𝘁𝗼 𝗗𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀, 𝗗𝗮𝘀𝘀𝗲𝗻, 𝗕𝗔 𝗦𝘂𝘇𝗮𝗿𝗮 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲𝘀, 𝗝𝗶𝗺’𝘀 𝗖𝗼𝗳𝗳𝗲𝗲 𝗠𝗶𝘅 𝗮𝘁 𝗞𝗶𝗻𝗴 𝗧𝘂𝘁.
Sa pagdalo ni City Mayor Malou sa awarding ceremony ay kanyang binati at pinasalamatan ang lahat ng mga lumahok na riders. Buo naman ang kanyang pag-asa na may sapat na kaalaman at kapabilidad ang lahat ng riders upang tiyaking laging ligtas sa bawat lalahukang events katulad ng Kalap Motorcycle Endurance Challenge na aniya’y muling magaganap sa Lungsod ng Calapan.

























