Calapeno, ito na ang pinakahihintay nating epic na selebrasyon! Sa ika-27 taon ng ating minamahal na lungsod, maghanda sa isang linggo ng husay, galing, at saya!
Simula March 15, 2025, saksihan ang masisiglang indakan sa kalsada, pagrampa ng naggagandahang binibini, at makukulay na parada! Ibibida din ang mga produktong Calapeno, may pangmalakasang zumba pa!
Sa March 21, dadagundong ang buong Calapan at aalingawngaw ang hiyawan, palakpakan at tawanan dahil magaganap na ang MusiKALAP Grand Concert! Abangan din ang pagningning ng kalangitan dahil sa enggrandeng fireworks na inyong masisilayan!
Huwag palampasin ang pinakamalaking pagdiriwang ng taon! Handog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangangasiwa ng Calapan City Tourism, Culture and Arts Department!
Para sa inyo ito, Calapeno!