‘KADIWA NI ANI AT KITA’ SOFT LAUNCHING

Noong ika-28 ng Hunyo 2024, dumalo si City Mayor Marilou Flores-Morillo

kasama si City Councilor, Atty. Jel Magsuci sa paglulunsad ng KADIWA Retail Store, isa sa mga programa ng Jubilee Oriental Mindoro Consumers Cooperative. Ang seremonya ay ginanap sa Barangay Parang, Calapan City, at layuning magbigay ng abot-kayang produkto sa mga mamamayan.

Ipinahayag ni Mayor Morillo ang kanyang suporta sa inisyatibang ito, na naglalayong itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente. Aniya, ang ganitong mga proyekto ay isang mahalagang hakbang tungo sa pag-unlad ng ating komunidad.

Ang programa ay naglalayong magbigay ng mas abot-kayang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa mga residente, habang pinapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong galing sa sariling rehiyon.