𝑲𝒖𝒎𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚𝒂𝒏 kaloob ng Pamahalaang Lungsod para sa kababaihan ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗮𝗹𝗵𝗶 ang isang livelihood program na tiyak na aagapay sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.
Sa ilalim ng 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗼 𝗟𝗶𝘃𝗲𝗹𝗶𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘃𝗶𝗹𝗲𝗴𝗲𝗱 (𝗠.𝗔.𝗟.𝗢.𝗨) Program na pinapangasiwaan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 ay isa na namang barangay sa lungsod ang ngayon ay may karagdagang pinagkakakitaan.
May 𝟭𝟱 kababaihan na residente ng Brgy. Palhi ang sumailalim sa 𝑻𝒓𝒂𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒐𝒏 𝑮𝒂𝒓𝒎𝒆𝒏𝒕𝒔 𝑷𝒓𝒐𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 na isinagawa sa Covered Court ng nasabing barangay.
Sa loob ng tatlong araw (Nobyembre 13, 14, 16) ay sinanay sila na gumawa ng apron, bed sheet, at kurtina.
Sa kanilang pagtatapos ay dumalo dito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 upang personal na marinig ang saloobin ng mga benepisyaryo ukol sa programang ibinigay sa kanila.
Lubos na ikinagalak ni Mayor Malou ang naging pagtanggap ng barangay sa programa sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay na si 𝗞𝗴𝗴. 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝗼 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗼.
Ang ipinakitang interes ng mga lumahok sa pagsasanay ay patunay aniya na sila ay kaisa ng kanyang administrasyon sa layuning mabago ang antas ng pamumuhay ng bawat isang Calapeño tungo sa isang progresibo at maunlad na lungsod.
Bilang patunay ng kanyang pagsuporta sa mga kababaihan ng Palhi, ora mismo ay umorder ito ng 𝟯𝟬𝟬 piraso ng apron mula sa kanilang produksyon.
Sinabi naman ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿, 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝗲𝘆 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na ang ibinigay na programa sa kababaihan ng Palhi ay katugunan sa kahilingan ng pamunuan ng barangay matapos ang konsultasyon na parte naman ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 caravan noong Hulyo 10, 2023.
Ang CTID aniya ay laging nakahandang tumulong sa mga sektor na higit na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng akmang pangkabuhayan.
Maliban sa pagbibigay ng kasanayan, puhanan at suportang teknikal ay tumutulong din sila na madala sa merkado ang mga produktong gawa ng mga Calapeño.
Samantala, pinangunahan ni Mayor Malou ang pagkakaloob ng sertipiko sa mga nagsipagtapos kasama sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci, 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝗼 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗼, 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝑯𝒆𝒂𝒅 𝒐𝒇 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑺𝒆𝒄𝒕𝒐𝒓𝒂𝒍 𝑪𝒐𝒏𝒄𝒆𝒓𝒏𝒔, 𝗠𝗿. Jaypee M. Vega, 𝑲𝑨𝑳𝑨𝑷𝑬𝑵𝒀𝑨 𝑪𝒐𝒐𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒕𝒐𝒓, 𝗠𝘀. 𝗣𝗮𝘇 𝗚𝘂𝘁𝗶𝗲𝗿𝗿𝗲𝘇, at 𝑲𝑨𝑳𝑨𝑷𝑬𝑵𝒀𝑨 𝑭𝒆𝒅𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕, 𝗠𝘀. 𝗠𝗲𝗹𝗮𝗻𝗶𝗲 𝗖𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁-𝗛𝗼𝘀𝗵𝗶𝗻𝗮.
Pormal na ring ipinagkaloob sa grupo ng Kababaihan ng Barangay Palhi ang 𝒔𝒕𝒂𝒓𝒕-𝒖𝒑 𝒌𝒊𝒕 na kinapapalooban ng tatlong (3) 𝒔𝒊𝒏𝒈𝒆𝒓 𝒔𝒆𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒄𝒉𝒊𝒏𝒆, mga tela at iba pang kagamitan sa pananahi na ang halaga ay aabot sa 𝗣𝟱𝟮,𝟲𝟱𝟬.𝟬𝟬 mula pa rin sa Pamahalaang Lungsod.
Sa pamamagitan ni Kapitan Babao ay ipinaabot nito ang walang hanggang pasasalamat ng kanyang mga ka-barangay sa isa na namang magandang programa na ipinagkaloob ng City Government sa pamamagitan ni City Mayor Malou Flores-Morillo