Apat na organsisasyon ang nakatanggap ng iba’t ibang mga proyektong pangkabuhayan bilang bahagi ng Kababaihan, Kalikasan, Kabuhayan Program ng People’s Council of Calapan City.
🏪 TINDAHAN NG TAUMBAYAN
👉🏻 Kalapenya Maidlang
👉🏻 Kalapenya Lazareto
👉🏻 Kalapenya Lalud
Naibigay na din sa Samahan ng Kababaihan ng Sta. Isabel ang mga tulong pangkabuhayan na magpapalago sa kanilang delectable tarts production. Ang mga nabanggit na samahan ang mga unang grupo na nakatanggap sa ilalim ng KKK Program at inaasahan na marami pang organizasyon ang ieendorso ng People’s Council of Calapan City bago matapos ang taon. Matatandaan na sa administrasyong Morillo nabuo ang People’s Council of Calapan City at ang mga proyektong naipagkaloob ay ilan sa mga testamento na nagpapatunay ng maayos na ugnayan ng iba’t ibang mga samahan at ng pamahalaang lungsod ng Calapan.