Sa kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon na masigurado ang kaligtasan ng mga mamimili at maging patas sa lahat ng mga nagtitinda, nagsagawa ng inspeksyon ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyemento/tindahan sa Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang departamento, sa pangunguna ng mga Hepeng namamahala rito, naganap nitong araw ng Martes, ika-25 ng Abril.
Kabilang sa mga lugar sa Calapan na pinuntahan at sinuyod ng mga opisyal ay ang mga sumusunod Barangay: 𝗜𝗹𝗮𝘆𝗮, 𝗟𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗟𝗮𝗹𝘂𝗱, 𝗚𝘂𝗶𝗻𝗼𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻, 𝗦𝗮𝗽𝘂𝗹, 𝗧𝗮𝘄𝗶𝗿𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗶𝘁, at 𝗦𝘁𝗮. 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹.
Kaugnay nito, binigyan ng abiso ang mga establisyemento/tindahan dito na nakitaan ng paglabag sa mga lokal na ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod, at sa iba pang mga pambansang umiiral na batas.
Kinausap din ang mga nagtitinda sa bawat Barangay, upang maipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pagtitinda sa tamang lugar, gayundin ang pagtalima sa mga ordinansang makatutulong para sa ikabubuti nila, at maging sa kaligtasan ng mga konsyumer, kaya naman inaanyayahan din ang ilan sa kanila na bumalik muli sa Pampublikong Pamilihan ng Lungsod.
Samantala, nakiisa sa aktibidad na ito sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗡𝗲𝗹𝘀𝗼𝗻 ‘𝗖𝗵𝗼𝘆’ 𝗩. 𝗔𝗯𝗼𝗯𝗼𝘁𝗼, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗣. 𝗡𝗲𝗽𝗼 𝗝𝗲𝗿𝗼𝗺𝗲 𝗚. 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, kung saan ay narito rin si 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗜𝘃𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗲𝗽𝗵𝗲𝗻 𝗙𝗮𝗱𝗿𝗶.
Katuwang din dito ang 𝗕𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗣𝗲𝗿𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 na pinamumunuan ni 𝗠𝘀. 𝗘𝗹𝗲𝗻𝗶𝘁𝗮 𝗔. 𝗥𝗮𝗺𝗶𝗿𝗲𝘇, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗗𝗿. 𝗙𝗲𝗯𝘆 𝗗𝗮𝗿 𝗖. 𝗠𝗮𝗴𝗹𝗶𝗰𝗺𝗼𝘁, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗡𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 𝗗. 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴, kasama ang 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗕𝗙𝗣) 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, at ang 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗦𝗪𝗔𝗧 𝘁𝗲𝗮𝗺.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin na sinisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na matulungan ang mga mamamayan, upang masolusyunan ang mga suliranin sa Lungsod.






















