Mag-ingat sa matinding init mga Calapeño!

Ang heat stroke ay isang malubhang karamdaman kung saan lubhang tumataas ang temperatura ng katawan na hindi napapawi ng pagpapawis dahil sa dehydration.

Mataas ang insidenteng magka-heat stroke kapag nasa mainit at maalinsangang panahon o pag-eehersisyo nang mabigat na nadudulot ng labis na pagkawala ng tubig sa katawan.

Ang mga indikasyon ng heat stroke ay matinding pagkauhaw, pagkawala ng tubig sa katawan, panghihina, pagkahilo at pagkawala ng malay, pagkabalisa, at pananakit ng ulo.

Ang mga ito ay maaring mauwi sa mas malalang kundisyon ng heat stoke: mataas na lagnat (40°C), mainit at nanunuyong balat, mabilis na pagtibok ng puso, kombulsyon, diliryo, at pagkawala ng malay.

Narito ang mga paraan upang tayo’y makaiwas dito.

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: Department of Health (Philippines)