Isang masayang araw para sa ating mga lolo at lola!

Nakasama at nakadaupang-palad po natin ang mga nakatatanda ng lungsod ng Calapan sa espesyal na aktibidad na ‘A Healthy Day with the Oldies,’ bilang bahagi ng pagdiriwang ng COOPERATIVE MONTH 2024. Pinangunahan ito ng Calapan City Cooperative Development Council at Cooperative Development Office kung saan isinagawa ang mga aktibidad gaya ng health lectures, konsultasyon, at mga wellness services tulad ng libreng gupit. Lahat ay para sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mahal na nakatatanda. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa!