Patuloy na ipinatutupad ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang ipinangako nitong libreng supply ng gatas para sa mga Senior Citizen ng lungsod ng Calapan. Nitong nakaraang Miyerkules, ika-24 ng Mayo, katuwang ang Sangguniang Barangay ng Lalud na pinamumunuan ni 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗝𝗼𝗹𝗹𝘆 𝗱𝗲 𝗖𝗵𝗮𝘃𝗲𝘇, ginanap sa nasabing barangay ang isang batch ng distribusyon ng mga gatas.
Ang isinagawang pamamahagi ay naghatid ng saya sa mga lolo at lola ng Brgy. Lalud na masasabing nabibilang sa bulnerableng sektor ng ating lipunan na kinakailangang tutukan, bigyan ng sapat na halaga, malasakit, at pagmamahal.
Kaugnay nito, nasa kabuuang 𝟰𝟳𝟴 na benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng gatas na naisakatuparan dahil sa malasakit at pagkandili ng butihing Ina ng Lungsod.
Gayundin, patuloy na sinisikap ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Morillo na mas matulungan at masuportahan pa ang mga mamamayan para sa ikabubuti ng Lungsod ng Calapan.
