International Coastal Cleanup 2024

Matagumpay na naisagawa ang cleanup activity sa Lungsod ng Calapan noong Setyembre 7, 2024, bilang

bahagi ng “International Coastal Cleanup 2024.” Pinangunahan ito ng City Environment and Natural Resources Department (CENRD) sa pamumuno ni Mr. Wilfredo G. Landicho, na ginanap sa Barangay Balite. Layunin ng aktibidad na linisin ang dalampasigan at bawasan ang plastik na polusyon. Pinagtitibay ng aktibidad ang pangarap ni Mayor Malou Flores-Morillo na gawing “Green City” ang Calapan, at lubos ang kanyang pasasalamat sa mga nakibahagi para mapangalagaan ang kalikasan.