Ang mga kawani ng 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗼𝗯𝗶𝗻 𝗖𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠. 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀, kasama ang mga kawani ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱, at 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 ay nagsagawa ng 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗮𝗺𝗽𝗮𝗶𝗴𝗻 (𝗜𝗘𝗖) tungkol sa nababatid na krisis ng 𝑶𝒊𝒍 𝑺𝒑𝒊𝒍𝒍 sa ating lalawigan. Dinaluhan din ito ng 𝗖𝗼𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗞𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗚𝗲𝗻𝗶𝗲 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂 at ng mga mamamayan ng 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀, 𝗚𝘂𝘁𝗮𝗱, 𝗡𝗮𝗴 𝗜𝗯𝗮 𝗜 at 𝗜𝗜.
Tinalakay dito ang kalagayan ng oil spill, mga posibleng epekto nito sa kabuhayan, kalusugan at sa kalikasan. Ipinabatid din sa talakayan na hindi ipinagbabawal ang pangingisda sa ating lungsod.
Ipinahayag din sa IEC ang gagawing 𝑰𝒎𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅 𝑺𝒑𝒊𝒍𝒍 𝑩𝒐𝒐𝒎 na gagamitin kung sakaling umabot ang oil spill sa ating katubigan ng lungsod. Hiningi ang suporta ng mga mamamayan ng nasabing barangay para pag tulungan ang pag gawa nito. Labis ang pasasalamat sa lahat ng nag paabot ng suporta. Ang mga dayaming nakalap na gagamitin sa spill boom ay ipinagkaloob sa tulong ng mag sasaka sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁. Meron din mga mangingisdang nag bigay ng mga lumang lambat, at ang mga indibidwal na mag bibigay ng mga plastic bottles.
𝑺𝒂 𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒊𝒉𝒂𝒏, 𝒔𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒂𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒏.















