Tugtog at Hataw ng mga Batang 90s, Millenial, at Gen Zs!

Siyam na grupo ng kabataang mananayaw ang nagpamalas ng kanilang galing sa pag-indak at paghataw sa ginanap na 𝗜𝗻𝗱𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻: 𝗛𝗶𝗽-𝗵𝗼𝗽 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 sa Provincial Capitol Grounds, ika-19 ng Marso.

Napatunayan naman ng huling grupo, ang 𝗚𝗮𝘁𝗲𝗸𝗲𝗲𝗽𝗲𝗿𝘀, na sila ay “𝒍𝒂𝒔𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒏𝒐𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒍𝒆𝒂𝒔𝒕” dahil sila lang naman ang naghari sa dancefloor at nag-uwi ng 𝗣𝗵𝗽 𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬.

Wagi din sa patimpalak ang mga sumusunod:

𝟭𝘀𝘁 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽: UPKZ

𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽: Simple Guys

𝟯𝗿𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗨𝗽: Metaphor

𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗖𝗵𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱: Baanaw

Ang IndaKabataan ay inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamumuno ni 𝗧𝗶𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼, sa pamamagitan ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻, 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 sa pangunguna ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗡𝗼𝗲𝗹 𝗖𝗶𝗿𝘂𝗷𝗮𝗻𝗼.

Naging posible naman ang gawain dahil kaisa ng Pamahalaang Lungsod ang Provincial Government of Oriental Mindoro sa pangunguna ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 “𝗕𝗼𝗻𝘇” 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿, at 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗘𝗷𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗹𝗰𝗼𝗻 sa pamamagitan ng 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 25𝒕𝒉 𝑭𝒐𝒖𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏 𝑲𝒂𝒍𝒂𝒑 𝑭𝒆𝒔𝒕𝒊𝒗𝒂𝒍 at ng 30𝒕𝒉 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒊𝒏 𝑷𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑺𝒆𝒓𝒗𝒊𝒄𝒆 𝒏𝒊 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒐𝒓 𝑩𝒐𝒏𝒛 𝑫𝒐𝒍𝒐𝒓.