Dumalo at nakiisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa idinaos na “Inauguration Ceremony of Regional
Satellite Materials Testing Laboratory” na ginanap sa Department of Public Works and Highways Office-MIMAROPA Region, Calapan City, nitong ika-18 ng Abril.
Ang naturang aktibidad ay matagumpay na isinagawa kasama ang mga panauhing pandangal na sina Congressman, Arnan C. Panaligan, Representative of the First District of Oriental Mindoro, at Gerald A. Pacanan, CESO III, Regional Director, DPWH MIMAROPA Region (IV-B), kasama si Naujan Municipal Mayor Henry Joel C. Teves, Gene Ryan A. Altea, Assistant Regional Director, DPWH MIMAROPA Region (IV-B), at Dennis P. Abagon, OIC-Chief, QAHD.
Dagdag pa rito, binigyang-daan din sa nasabing programa ang “Groundbreaking Ceremony for Repair Renovation/Improvement of DPWH Regional Quality Assurance and Hydrology Division Field Laboratory in Calapan, City Oriental Mindoro”.
Ang nasabing SMTL ay malaking katulungan at kapakinabangan, para sa pagpapalawig ng serbisyo at pagtiyak ng kalidad ng mga materyales sa konstruksyon na ginagamit sa mga proyektong pangkonstruksyon at pang-imprastraktura na makapag-aambag ng malaki, para sa patuloy na kaunlaran sa buong lalawigan at maging sa buong rehiyon.