𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒐𝒔𝒕, 𝑺𝑲 𝑯𝒂𝒍𝒍 at 𝑬-𝑳𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒚 na may kabuuang halaga na 𝗣𝟴𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬 mula sa pondo ng barangay, 𝗣𝟰 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝑩𝒂𝒚𝒘𝒂𝒍𝒌 mula sa City Government na nilagyan ng 𝟭𝟱 𝒔𝒐𝒍𝒂𝒓-𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓𝒆𝒅 𝒔𝒕𝒓𝒆𝒆𝒕 𝒍𝒊𝒈𝒉𝒕𝒔 na nagkakahalaga ng 𝗣𝟮𝟬𝟬,𝟬𝟬𝟬 mula sa pondo ng barangay at 𝑩𝒂𝒏𝒕𝒂𝒚 𝑫𝒂𝒈𝒂𝒕 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 at ang 𝑹𝒐𝒂𝒅 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒓𝒂𝒊𝒏𝒂𝒈𝒆 𝑪𝒐𝒏𝒔𝒕𝒓𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 na ginastusan ng 𝗣𝟰 𝗠𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 mula sa 𝗗𝗕𝗠 sa tulong ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼.

Ilan lamang ito sa mga infrastructure projects sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗿𝗼 Calapan City na magkakasunod na pinasinayaan, Pebrero 10, 2023.

Ang ginawang pagpapasinaya sa mga nasabing proyekto ay pinangasiwaan ng Sangguniang Barangay ng Calero sa pamumuno ni 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗻𝗱𝘆 𝗔𝗵𝗼𝗿𝗿𝗼. Sina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 ay dumalo sa nasabing okasyon upang ipahayag ang kanilang pagsuporta sa mga pagawain ng barangay.

Nanduon din ang tropa ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱 at personnel mula sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa pangunguna ni 𝗣𝗟𝗧𝗖𝗢𝗟 𝗔𝗟𝗙𝗥𝗘𝗗𝗢 𝗟𝗢𝗥𝗜𝗡 𝗝𝗥., mga kawani ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, Senior Citizens at mga residente ng barangay.

Para kay Barangay Captain Ahorro ang mga nasabing proyekto ay resulta ng maayos na pamamalakad ng Sangguniang Barangay ng Calero at suporta ng kanilang mga ka-barangay.

Lubos niyang pinasalamatan ang mga personalidad na naging instrumento upang maisakatuparan ang mga natapos na proyekto tulad nina 𝟭𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 gayundin kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 na nagkaloob na rin ng iba pang pagawain gaya na lamang ng on-going construction na 𝑬𝒗𝒂𝒄𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑪𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓.

Ayon pa kay Kapitan Randy, ang mga naipasaayos na pasilidad ay hindi lamang para sa mga taga-Calero dahil magagamit din itong standby area at daanan ng mga rescue boats patungo sa dagat sa panahon na ito ay kakailanganin.

Sinabi naman ni City Vice Mayor Bim na sila ni City Mayor Malou ay palaging nakahanda na umagapay sa pangangailangan ng mga barangay. Patuloy aniya siyang makikipag-ugnayan sa mga nasyonal na ahensya upang makakuha ng pondo para sa mga madagdagan pa ang mga pagawaing-bayan sa Lungsod ng Calapan.

Sa pagdalo naman ni City Mayor Malou sa okasyon ay sinamantala niya ang pagkakataon upang pakinggan na rin ang mga hinaing at sushestiyon ng mga namumuno sa barangay gayundin iba pang pangangailangan ng kanyang minamahal na mga kababayan.