Pormal nang binuksan ang City DRRM Council Central Operations Center sa Lungsod ng Calapan, na matatagpuan sa Barangay Calero, noong Biyernes, ika-14 ng Marso.
Sa mensahe ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo, sa pasinayang isinagawa, sinabi niyang ang gusaling iyon ay bahagi ng pagsusumikap ng Pamahalaang Lungsod na magkaroon ng mas maayos at accessible na control & command center sa lungsod kapag mayroong mga kalamidad, sakuna, at iba pang krisis na nangangailangan ng agarang paghahanda at pagkilos.
Ayon naman kay Mr. Dennis T. Escosora, City DRRM Officer, “Sumasalamin po ito sa layuning magkaroon ng maaasahan at sentralisadong control & command center na mas makapagbibigay ng TAMA at nararapat na tugon sa anumang pangangailangan pangkaligtasan ng taumbayan o emergency situation. Nakabantay at handa po kaming umagapay sa inyo Calapeno.”
Naroroon at nakiisa din sa naturang inauguration sina DOST PD Mr. Jesse Pine, Provincial DRRM Officer Mr. Vincent Gahol, at Mr. Fernando de Leon, kinatawan mula sa Office of the Civil Defense.
Ang naturang City DRRM Council Central Operations Center ay tinatayang nagkakahalaga ng P9 milyong piso.
Kasabay ng inagurasyon ay ang pagbabasbas sa mga bagong Airboat at Jet Ski na talaga namang makatutulong sa mga operasyon ng CDRRMD.
LIGTAS NA LUNGSOD NG CALAPAN, SIGURADO KAY MAYOR MORILLO!






