“Sa katatapos lamang na 3rd Regional Population Congress nitong ika-28 ng Nobyembre, taas noo po naming ipinababatid sa lahat, na tayo ay naging Implementation of Population and Development Program on Adolescent Health & Development Program Awardee.”
— 𝗗𝗿. 𝗠𝗮. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗡𝗶𝗲𝘃𝗮 𝗕𝗼𝗹𝗼𝗿, 𝘊𝘢𝘭𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺 𝘗𝘰𝘱𝘶𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦𝘳-𝘋𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯𝘢𝘵𝘦
Lalo pang pagpapayabong ng mga programa ng pamahalaang lungsod pagdating sa usapin ng adolescent health and development, established at functional teen center na matatagpuan sa Canubing National High School, established adolescent friendly clinic Level I, mga nabalangkas at naipasang resolutions at ordinances — ilan lamang ang mga ito sa mga nakita at naging basehan ng mga inampalan, sa pagkakahirang sa lungsod ng Calapan bilang 𝑰𝒎𝒑𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑷𝒐𝒑𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝒐𝒏 𝑨𝒅𝒐𝒍𝒆𝒔𝒄𝒆𝒏𝒕 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 & 𝑫𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒅𝒆𝒆.
Ngunit kung susumahin, tunay namang ang commitment ng city government sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, upang tuluyang mapababa ang ‘teenage pregnancy’ sa lungsod, sa pamamagitan ng pagsama-sama at pagkakaisa ng iba’t ibang konsernadong ahensya ang siyang naging susi sa pagkilala sa atin.
Ito ay iginawad ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 na pinamamahalaan ni 𝗥𝗗 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱𝗼 𝗢. 𝗪𝗼𝗻𝗴. Naroroon at nakiisa din sa nasabing awarding si 𝗨𝗦𝗲𝗰. 𝗟𝗶𝘀𝗮 𝗚𝗿𝗮𝗰𝗲 𝗦. 𝗕𝗲𝗿𝘀𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗣𝗵.𝗗., 𝘌𝘹𝘦𝘤𝘶𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘋𝘪𝘳𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳 ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗽𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁.
Samantala, personal namang tinanggap ni Dr. Bolor ang naturang pagkilala.