Pingunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo at ng Fisheries Management Office na pinamumunuan ni City Administrator Atty. Reymun Al Ussam ang paglalagay ng mga kagamitan na galing sa Blue Alliance Philippines sa Harka Piloto Fish Sanctuary nitong ika-30 ng Nobyembre. Naroon din ang buong team ng Blue Alliance Philippines sa pangunguna ni MPA Manager Bonifacio Tobias, Philippine Coast Guard, PNP Maritime, Philippine Army, Scuba Divers (isa mula sa Blue Alliance, FMO, at Bantay Dagat) at mga Bantay Dagat upang masaksihan at tumulong sa pagsasagawa ng installation (Thea Marie J. Villadolid/CIO).