Inumpisahan sa Pamahalaang Lungsod ang Lunes ng umaga sa pamamagitan ng pagkilala. Kasabay ng Regular Flag Raising Ceremony, ilang indibidwal na nagpamalas ng kanilang angking galing sa sektor na kanilang kinabibilangan ang binigyang pagkilala ng Pamahalaang Lungsod. Ginawaran bilang ‘Natatanging Lingkod Guro ng Bayan’ (Secondary Level) si Mr. Roderick Jose Amido Calivara (Master Teacher I – OMNHS, SDO Calapan City). Kasabay nito, isang pagkilala rin ang ibinigay kay Ms. Hazel Anne L. Masongsong na ginawaran bilang ‘2023 Regional Outstanding City Nutrition Program Coordinator’. Gayundin, masigabong palakpakan ang ibinahagi ng city government employees kay Mr. Oscar E. Ricaflanca sa pagkilalang kanyang natanggap bilang isa sa ‘Ten Outstanding Older Persons’, sa nakalipas na 54th Sampung Ulirang Nakatatanda Awards. Nakiisa din ang Pamahalaang Lungsod sa selebrasyon nina Ms. Rochelle Christia Quiambao RSW at Mr. Allen John Alberto RSW sa tagumpay na kanilang natamo sa pagiging ganap na Registered Social Worker. “Kayo pong lahat ay aming hinahandugan ng masigabong palakpakan! Kayo po ay patunay ng angking galing at husay ng Calapeno!” — Calapan City Mayor Malou Flores Morillo.