IFFP Project: Free Range Chickens & Calamansi Seedlings

Sa ilalim po ng ating proyektong “Integrated Focused Food Production (IFFP)”, pitong kababayan natin ang nabigyan ng free-range chickens, sa pamamagitan ng City Agricultural Services Department (CASD). Tumanggap po ang ating mga benepisyaryo ng 13 manok, isang roll ng poultry net, at tatlong sako ng feeds bilang alternatibong pangkabuhayan, lalo na para sa mga naapektuhan ng African Swine Fever (ASF). Namahagi rin po tayo ng 2,000 calamansi seedlings sa 129 magsasaka mula sa 17 barangay. Nagpapasalamat din po ako sa ating mga kasamahan dahil sila ang napakisuyuan nating mamahagi ng ating mga handog habang tayo po ay abala sa isang commitment noong araw na iyon. Thank you Team TAMA for taking the time to represent me on my behalf.