Matagumpay na naisakatuparan nitong ika-2 ng Pebrero ang IEC Kick-Off Activity-Coastal Clean-
Up cum Environmental Lecture/Workshop sa Barangay Suqui at Lazareto sa pangunguna ng Provincial Environment and Natural Resources (PENRO)-Oriental Mindoro, sa ilalim ng pamumuno ni PENR Officer, Allan L. Valle at inisyatibo ng Gov. Arturo Arce Ignacio, Foundation, Inc. na pinangungunahan ni 𝐹𝑜𝑟𝑚𝑒𝑟 𝑂𝑟𝑖𝑒𝑛𝑡𝑎𝑙 𝑀𝑖𝑛𝑑𝑜𝑟𝑜 𝐺𝑜𝑣𝑒𝑟𝑛𝑜𝑟, Benjamin “Chippy” Espiritu at Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Calapan, sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo.
Ang naturang aktibidad na naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng coastal clean-up, at lecture/workshop ay bahagi rin ng pagdiriwang para sa World Wetlands Day 2024, bilang suporta sa mga pagsisikap at inisyatiba, upang higit pang palakasin ang pagpapatupad ng Solid Waste Management at iba pang mga isyu sa kapaligiran na sumasaklaw sa mga lugar sa baybayin sa loob ng Lungsod.
Naging bahagi ng nasabing gawain ang PENRO Personnel, City ENRO/PENRO Personnel (MES) EMB, City ENRO/SB Member of Lazareto, City ENRO/SK Member of Lazareto, Eco-Champions and 4Ps President, Regional Police Community Affrairs and Development Unit 4B, PG-ENRO/Regional Maritime Unit, Sangguniang Barangay Members of Suqui, at SK Federation at SK Member of Suqui.
Ayon kay City ENRO Officer, Mr. Wilfredo G. Landicho, layunin ng naturang aktibidad na ito kung saan kabahagi ang provincial at local government na imulat ang mga mamamayan na maging responsableng tao na kumakalinga at nagmamahal sa kanyang kapaligiran, hinihikayat din niya ang bawat isa na dapat panatilihin ang kalinisan ng karagatan na pinagkukunan ng pagkain, gamot at iba pang mga pangangailangan.