HILING ng mga residente ng Barangay Gulod, binigyang katuparan ni Mayor Malou

Maganda ang naging pagpasok ng bagong taon para sa mga residente ng Brgy. Gulod. Huwebes ika-9 ng Enero, nabigyang katuparan ni Calapan City Mayor Malou Flores Morillo ang hiling nilang dagdag pondo o kaperahan upang makabili ng bagong Mini Dump truck.

Personal namang nagpasalamat si Punong Barangay Minandro Pesig, sa pagbibigay daan ng Pamahalaang Lungsod na matupad ang kanilang hiling.

Ang naturang dump truck ay malaking katulungan sa nasabing barangay sapagkat ito anila ay regular na magagamit sa paghahakot ng basura, upang mapanatiling maaliwalas, malinis at ligtas ang kanilang barangay. Gayundin anila, magsisilbi itong Evacuation at Rescue Vehicle sa pagkakataong magkakaroon ng sama ng panahon o sakuna.

SA ADMINISTRASYONG MORILLO — BASTA PARA SA TAUMBAYAN, LAGING GAGAWAN NG PARAAN!