Sa kadahilanang tricycle ang maituturing na pangunahing pampublikong transportasyon sa Calapan, masusing pinag-aralan ng Pamahalaang Lungsod at Sangguniang Panlungsod ng Calapan ang samo ng 𝗙𝗘𝗗𝗢𝗧𝗥𝗜𝗣, na pagtataas ng pamasahe.

At matapos magsagawa ng mga konsultasyon, rekomendasyon at ebalwasyon, ika-12 ng Disyembre taong 2022, naipasa ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟭𝟭𝟬 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟮 o mas kilala bilang 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗙𝗶𝘅𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗵𝗲 𝗥𝗮𝘁𝗲 𝗢𝗳 𝗧𝗿𝗶𝗰𝘆𝗰𝗹𝗲 𝗙𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗜𝗻 𝗧𝗵𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗔𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝗮𝗹𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗙𝗼𝗿 𝗩𝗶𝗼𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲𝗼𝗳, bilang agarang tugon sa petisyong inihain ng FEDOTRIP.

Ang aprubadong ordinansang ito mula sa Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Bim Ignacio, ay naglalaman na base sa taripang itinakda ng lokal na pamahalaan, ₱𝟭𝟱.𝟬𝟬 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼 𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗵𝗲𝗿𝗼, 𝗮𝘁 𝗱𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗻𝗮 ₱𝟭.𝟬𝟬 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗹𝗼𝗺𝗲𝘁𝗿𝗼. 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗮𝗹𝗮, 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝘀𝗮𝗵𝗲𝗿𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗪𝗗, 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝘁𝘂𝗱𝘆𝗮𝗻𝘁𝗲 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝟮𝟬% 𝗱𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗮𝗹𝗶𝗻𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝘁𝘂𝗻𝘁𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻.

Ang adjusted fare rate ay dahil na din sa pagtaas ng presyo ng gasolina at mga basic necessities at tulong na rin ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa transport sector sa lungsod.

Paalala naman ng Ina ng Lungsod at ni Vice Bim, dapat din anilang ikunsidera at tingnan ng transport sector ang sitwasyon ng ating riding public, na gaya nila ay umaaray at umaangal din sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Matatandaan, taong 2019 pa noong maipasa ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗼. 𝟰𝟬 na nagtatakda ng ₱10.00 minimum fare.