Maligayang bati sa napakasipag at walang kapagurang Ina ng Lungsod ng Calapan. Hindi sapat ang salitang ‘Salamat’ sa inyong mga ginagawa, sakripisyo, at inilalaang oras para sa taumbayan. Iba-iba man ang paniniwala at pagtingin ng ilan, pagdududa at paghatol sa inyong kakayahan, hindi pa rin maitatanggi ang namumutawing bisyon at paghahangad ninyong mas maging maunlad pa ang Calapan. Hindi lang puro salita, kayo ay may ginagawa.
Higit pa sa magagarbong pagtitipon, ay ang pagnanais na mas makilala at mas umangat pa ang estado ng Calapan. Ngayong nararanasan na ng lungsod na ito ang kalinga at malasakit ng isang Ina, makakaasa kayong magpapatuloy ang aming pakikiisa, pagsasama-sama, at pakikipagtulungan tungo sa inaasam nating MAS progresibong Calapan.
Salamat po sa pagpapamalas ng TAPAT na paglilingkod. Salamat sa pagiging aktibo at pagsusulit ng aming boto. Talagang hindi niyo kami binibigo Mayor Tita Malou. Masyado ninyong tinotodo ang trabaho bilang lingkod-bayan at pinaparamdam na hindi nagkamali ang mga Calapeño.
Sa mga kinakaharap nating pagsubok, alam naming walang perpekto at walang anumang kapangyarihang kayang lutasin ang lahat ng ito ng mabilisan. PERO alam naming kayo ay may ginagawa, may nagagawa at gagawin upang maging maalwan ang katayuan ng inyong mga kababayan.
Sa aming madiskarteng Mayora, sa petMALOU ng masa — ipagpatuloy niyo lang ang inyong mga nasimulan. Muli, isang Maligayang Kaarawan!
𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐! 𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐!
