Happy 110th Founding Anniversary, Iglesia Ni Cristo!

Happy 110th Founding Anniversary, para sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo sa buong mundo, ang inyong matatag na samahan at pagkakabuklod-

buklod na pinanday ng panahon ay tunay na naging makabuluhan at kinalulugdan ng Diyos.
Bilang isang samahan na kapanalig natin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad, hangad ko na patuloy na maging matagumpay ang lahat ng inyong mga magagandang pangarap at adbokasiya para sa bayan, kaya naman maraming salamat sa mga hindi matatawarang ambag na bukas-palad ninyong inialay, para sa kapakanan ng mga mamamayan na siyang tunay na kagustuhan ng ating Ama.
Muli, Maligayang ika-110 Anibersaryo ng Pagkakatatag, para sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo!