Handog na Wheelchair ni petMALOU

Ika-6 ng Hulyo, hindi naging hadlang ang masamang panahon upang personal na maihatid ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo

kasama si Konsehala, Atty. Jel Magsuci at ng Serbisyong TAMA team ang mga bagong wheelchair para kina Tatay Antonio Burlungan (70) mula sa Brgy. Sapul at kay Kayena Rivera na mula naman sa Brgy. Bayanan II. Muli na namang napatunayan na kung kalinga at malasakit ang pag-uusapan, iyan ang Ina ng Lungsod ng Calapan.