HALAGANG 2.427M MULA SA DOLE, PERSONAL NA TINANGGAP NI MAYOR MORILLO AT CITY PESO

Maagang pamasko ang matatanggap ng nasa mahigit kumulang walumput dalawang (82) indibidwal mula sa lungsod ng Calapan. Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa iba’t ibang livelihood projects na tunay namang mapakikinabangan at makatutulong sa maraming taumbayan.