Pinangunahan ni 𝗦𝗲𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼𝗽𝗵𝗲𝗿 𝗟𝗮𝘄𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 Bong Go at ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kasama ang Sangguniang Panlungsod na pinangungunahan ni 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 Bim Ignacio, Governor Humerlito “Bonz’ Dolor, at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 ang Groundbreaking Ceremony ng Super Health Center sa Guinobatan, Calapan City, ika-27 ng Marso.

Ipinanukala ni Senator Bong Go ang pagtatag ng mga Super Health Centers sa iba’t ibang lalawigan at lungsod ng bansa; isa na nga ang Lungsod ng Calapan sa apat na munisipalidad na magkakaroon ng Super Health Center dito sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon kay Sen. Bong Go, “𝑻𝒉𝒆 𝒔𝒖𝒑𝒆𝒓 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒄𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝒊𝒔 𝒂 𝒎𝒆𝒅𝒊𝒖𝒎 𝒗𝒆𝒓𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝒂 𝒑𝒐𝒍𝒚𝒄𝒍𝒊𝒏𝒊𝒄 𝒂𝒏𝒅 𝒂𝒏 𝒊𝒎𝒑𝒓𝒐𝒗𝒆𝒅 𝒗𝒆𝒓𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒖𝒓𝒂𝒍 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒖𝒏𝒊𝒕.”

Layunin nito na mailapit ang mga serbisyong pangmedikal sa mga Pilipino lalo na sa mga nasa liblib na lugar at pinakanangangailangan nito.

Sa SHC ay magkakaroon ng mga dental services, birthing facilities, out-patient department, at maari ding ma-extend hanggang ng pamahalaang lokal sa pagkakaroon ng mga dialysis center.

Magtutulungan naman sa pamamahala ng SHC ang DOH at ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Health Sanitation Department.