Matapos bisitahin ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ ang ๐ฎ๐๐๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐ at ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐ ๐๐ ng ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ na matatagpuan sa ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฆ๐๐พ๐๐ถ, Calapan City ay ipinasyal ni Mayor Malou ang ilan sa kanilang mga opisyales sa ๐ฉ๐ฒ๐ด๐ฒ๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ sa Barangay Personas.
Nais ni Mayor Malou na maipakita sa grupo ang makabagong teknolohiya na ginamit at sistema ng paghahalaman sa naturang vegetable farm.
Nangako rin ang Punonglungsod na tutulungan niya ang grupo ng Guardians na magkaroon ng kahalintulad na taniman ng gulay, sa pamamagitan ng ๐๐ถ๐๐ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ para sa technical supports pati na ang ibang kakailanganing suporta.
Kabilang sa mga opisyales ng ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ na nakasama ni Mayor Malou sa ipinagmamalaking gulayan ng mga taga-barangay Personas, Comunal, Balingayan at Canubing ay sina ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฟ๐ถ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ผ, ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ฒ๐ป๐ฎ๐น๐ฑ๐ผ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ, ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ข๐๐ฒ๐๐ต ๐๐ผ๐ป๐๐ถ at ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐๐ฑ๐ผ๐น๐ณ๐ผ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฒ๐น. Kasama din sa pagbisita si ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น๐ผ๐ฟ Atty. Jel Magsuci.
Lubos namang ikinatuwa ng pamunuan ng Guardians ang naging aksyon ni Mayor Morillo, anila sa simpleng pamamaraan ay kanilang naramdaman ang masidhing layunin nito na palakasin ang sektor ng agrikultura sa lungsod at mabigyan ng oportunidad ang mga samahan na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.